SUB MENU
Balotang Pagboboto na may Tulong na pang Koreo/Manliliban para sa mga taong may Kapansanan
Kailan Magsumite ng Kahilingan
Ayon sa NRS 293.3165, kung, dahil sa pisikal na kapansanan, hindi mo malagdaan ang iyong pangalan, o hindi mamarkahan o malagdaan ang balota o gumamit ng aparatong pang boto na walang tulong, maaari kang humingi ng balota pang koreo/manliliban para sa lahat ng mga halalan sa kalendaryong taon sa pamamagitan ng paghiling ng balota pang koreo/manliliban na ang huling araw o oras (ang Martes bago ang Araw ng Halalan, ika-29 ng Marso, 2011, 5 n.h.). Kung nakaligtaan mo ang huling araw at oras, maaari kang humiling ng "balotang pang emerhensiya" para sa isang partikular na halalan na hindi lalampas ng ika-5 n.h. sa Araw ng Halalan, Martes, ika-5 ng Abril, 2011.
## Mga Kinakailangan sa Paghiling
Ang balota ay dapat hihilingin sa kasulatan sa Kagawaran ng Halalan at dapat mong masunod ang mga kinakailangan na inilarawan sa ibaba. Mga kahilingan na finax o ini-scan ay tatanggapin. Hindi ka maaaring humiling ng balotang pang emerhensiyan sa ngalan ng ibang rehistradong botante, kahit na may Power of Attorney. Ang iyong kahilingan ay dapat may kasamang:
- Iyong pangalan na kapareho sa nakasulat sa Aplikasyon ng Rehistrasyon ng Botante;
- Iyong Paninirahan sa Clark County;
- Ang pangalan at tinitirahan ng taong hinirang na tutulong sa iyo sa paggawa at maglagda ng iyong balota;
- Ang lagda ng taong hinirang; at
- Isang pahayag mula sa isang lisensyadong manggagamot sa Nevada na magpapatunay na dahil sa isang kapansanan, hindi mo kayang markahan o lagdaan ang iyong balota, o gumamit ng aparatong pangboto na walang katulong.
TANDAAN: Ang taong nahirang na tutulong sa iyo sa pagmarka at maglagda ng iyong balota, ay dapat ipahiwatig kasunod ng kanyang lagda sa sobre para sa nabotong balota pang koreo/manliliban na minarkahan at nilagdaan sa iyong ngalan.
## Magprint ng Form ng Kahilingan
I-print at kumpletohin ang form ng "Hiling ng Balota para sa Botanteng Hindi kayang Lumagda o Magmarka ng Balota".
## Kailan Ibalik ang Napagbotohan na Balotang pang Emerhensiya
Ang iyong napagbotohan na balota ay dapat ibalik sa Kagawaran ng Halalan ng County hindi lalampas ng ika-7:00 n.g. sa Araw ng Halalan (Martes, ika-5 ng Abril, 2011).
## Mga Tanong
Kung mayroon kang mga tanong, tumawag sa (702) 455-6552.