Huling Ginawang Pangkasalukuyan Noong Ika-20 Ng Hunyo, 2011Pagkatapos magsara ang mga lugar ng botohan sa ika-7:00 n.g. sa
Araw ng Halalan, dinadala ng mga opisyal ng lugar ng botohan sa pasilidad ng sentral ng paghahanay para maproseso. Ang mga resulta ng Araw ng Halalan ay pinaghahanay kasama ang mga resulta ng
maagang pagboboto at
mbalota pang koreo. Sa mga halalan pampederal/pang estado, ang mga
pansamantalang balota ay hindi kasama sa hindi opisyal na mga resulta sa gabi ng halalan. Tandaan na ang mga pansamantalang balota ay hindi ginagamit sa mga halalan pang munisipyo.
Pagkatapos magsara ang botohan sa ika-7:00 n.g. sa
Araw ng Halalan, maaari mong simulan tingnan ang mga hindi opisyal na resulta sa gabi ng halalan sa
website ng Kagawaran ng Halalan. Makukuha din
ang mga resulta ng nakaraan na halalan.
Pagkatapos magsara ang botohan sa ika-7:00 n.g. sa
Araw ng Halalan, pinopost din ng Clark County ang mga resulta sa gabi ng halalan habang patuloy ang pagbibilang sa Clark County Television (CCTV) cable Channel 4.
Mga Commissioner ng County (o naaangkop na awtoridad ng lungsod sa mga halalan pang munisipyo) ang dapat "mag patunay" ng mga resulta ng halalan sa o bago sa ika anim na working na araw pagkatapos ng
Araw ng Halalan. Sa mga halalan na Pampederal/Pang Estado sa even-numbered na mga taon, kasama sa mga huling resulta ang mga
pansamantalang mga balota na nabilang.