SUB MENU

Pangangampanya, Mga Mag-Oobserba, Mga Karatula, at Mga Pag-post ng Talaan

Pangangampanya / Pamamahayag / Pangongolekta ng mga Pirma para sa mga Petisyon

Mga Restriksyon

Ang mga patakaran para sa pamamahayag at pangangampanya ay nasa NRS 293.3572, 293.361, 293.740, at 293.437(4). (ayon sa binagong AB345 at SB123 ng 2019 sesyon ng lehislatura). Ang mga patakaran sa pamamahayag ay pareho na ngayon para sa PRIBADONG PAG-AARI sa parehong Araw ng Halalan at Maagang Pagboto, bilang resulta ng AB345 at SB123 ng sesyon ng lehislatura noong 2019.

  • PRIBADYONG PAG-AARI (Mga Mall, Sentro ng Pamimili, Supermarket, atbp.):

Kung ang lugar ng maagang pagboto o ang Sentro ng Pagboto sa Araw ng Halalan ay nasa pribadong ari-arian, ang pamamahayag at mga petisyon ay hindi pinapayagan SA KAHIT ANONG DAKO ng ari-arian nang walang pahintulot ng may-ari. Isang listahan ng mga lugar na pinapayagan at hindi pinapayagan ang pangangampanya ay ilalagay sa home page ng website ng Departamento ng Halalan kung maaari ng magamit ang impormasyon. (NRS 293.3572(9) at 293.437(4))

  • ARI-ARIANG PAMPUBLIKO (Mga Gusali ng Pamahalaan, Mga Aklatan, Mga Paaralan, atbp.):
    • Maagang Pagboto: Ang pagkampanya at mga petisyon ay hindi pinapayagan sa loob ng 100 talampakan mula sa lugar ng pagboto. Maglalagay ang mga manggagawa sa halalan ng mga karatula ng "Distance Marker" sa hangganan ng 100 talampakan upang malaman ang mga hangganan. (NRS 293.361)
    • Araw ng Halalan: Ang pagkampanya at mga petisyon ay hindi pinapayagan sa loob ng 100 talampakan mula sa pasukan ng gusali o istruktura kung saan matatagpuan ang lugar ng pagboto. Maglalagay ang mga manggagawa ng halalan ng mga karatula ng "Distance Marker" sa hangganan ng 100 talampakan upang malaman ang mga hangganan. (NRS 293.740)
  • PAMPUBLIKONG PAG-OOBSERBA:

Ang mga patakaran sa pampublikong pag-oobserba ay naaangkop din (tingnan sa ibaba) para sa lahat ng mga Sentro ng Pagboto sa Araw ng Halalan at mga lugar ng maagang pagboto.

Kahulugan

NRS 293.740 ay naglalarawan ng pamamahayag bilang pangangampanya para o laban sa isang kandidato, tanong sa balota o partidong pampulitika sa pamamagitan ng:

  • Paghingi ng mga pirma ng kahit anong uri, kabilang ang para sa mga petisyon
  • Paglalagay ng mga karatula
  • Pamamahagi ng literatura
  • Paggamit ng mga malalakas na speakers
  • Pagbili, pagbenta, pagsuot o pagpapakita ng anumang badge, buton o iba pang palatandaan, maliban kung ang isang tao ay maaaring magsuot ng pulitikal na palatandaan habang bumoboto lamang kung siya ay makatwirang hindi matakpan iyon.
Pampublikong Pag-oobserba sa Pagboto

Deskripsyon:

NRS 293.273, 293.274, 293.305, 293.700-293.840, 293.730, at NAC 293.245 ay nagtatakda ng mga patakaran para sa pag-oobserba ng pagboto ng publiko sa mga lugar ng pagboto. Sinuman ay maaaring mag-obserba ng pagboto sa isang lugar ng pagboto, i.e., walang kinakailangang kredensyal. Pagdating, ang isang mag-oobserba ay dapat na humiling ng "Team Leader" sa lugar ng pagboto. Ang Team Leader ay magdidirekta sa mag-oobserba sa isang itinalagang lokasyon sa loob ng lugar ng pagboto at ang mag-oobserba ay dapat manatili sa lugar na ito sa lahat ng oras, kabilang ang panahon ng pagsasara ng mga botohan. May limitadong espesyal na mga probisyon para sa media.

Mga bagong probisyon na idinagdag sa NAC 293.245 ay nagpapahintulot na limitahan ang bilang ng mga mag-oobserba sa loob ng lugar ng pagboto para sa mga kadahilanang pangkaligtasan ng publiko, proteksyon ng privacy ng mga botante, o pagpapanatili ng kaayusan.

\

Kinakailangang Form – Pagkilala sa mga Pagbabawal:

NAC 293.245 ay nangangailangan na ang mga mag-oobserba ay pumirma ng isang form sa lugar ng pagboto bago simulan ang pag-oobserba. Ang form ay kumpirmasyon na ang mag-oobserba ay: (a) Hindi makikipag-usap sa mga botante sa loob ng lugar ng pagboto; (b) Hindi gagamit ng mobile na telepono o kompyuter sa loob ng lugar ng pagboto; (c) Hindi magtataguyod para o laban sa isang kandidato, partidong pampulitika, o tanong sa balota; (d) Hindi makikipagtalo para o laban o hahamon sa anumang desisyon ng mga tauhan ng halalan ng lalawigan o lungsod; at (e) Hindi makikialam sa pagsasagawa ng pagboto. Ang form ay isang pagkilala rin na ang mga mag-oobserba ay maaaring alisin mula sa lugar ng pagboto dahil sa paglabag sa mga batas o regulasyon.

Ano ang Kinakailangan sa mga Pampublikong Mag-oobserba sa isang Lugar ng Pagboto, ayon sa NAC 293.245:

Ang mga Mag-oobserba ay dapat:

  • Umupo o Tumayo sa Pampublikong Lugar ng Pagsusuri: Itatalaga ng Team Leader ang lokasyon at maaaring panoorin ng mga mag-oobserba ang mga aktibidad ng halalan mula sa lugar na ito basta't hindi nila iniistorbo ang proseso ng halalan. Ang itinalagang lugar ay dapat magbigay-daan para sa makabuluhang pag-oobserba ngunit hindi dapat matatagpuan sa isang lugar na magbibigay-daan sa isang mag-oobserba na labagin ang privacy at pagiging kumpidensyal ng balota ng botante.
    • "Makabuluhang pag-oobserba" ay nangangahulugang ang isang tao ay maaaring mag-obserba sa pagkilala ng mga botante na lumilitaw sa isang lugar ng pagboto upang bumoto, ang pamamahagi ng isang kard ng makina ng pagboto sa isang botante, ang paggalaw ng isang botante patungo sa isang booth ng pagboto, ang pagbabalik ng kard ng makina ng pagboto ng isang botante, at ang pag-alis ng isang botante sa lugar ng pagboto.
    • "Makabuluhang pag-oobserba ay HINDI kasama ang:
      • Pagtingin sa personal na impormasyon ng isang botante, balota ng isang botante, o mga pinili sa makina ng pagboto
      • Nakikinig sa anumang pag-uusap sa pagitan ng mga manggagawa sa halalan o sa pagitan ng isang botante at mga manggagawa sa halalan
  • Magsuot ng Name Tag: Ang mga mag-oobserba ay dapat magsuot ng name tag na nagpapakita ng kanilang buong pangalan.
  • Magbigay ng Kinakailangang Form: Dapat pumirma ang mga mag-oobserba sa naunang inilarawang pagkilala sa mga pagbabawal.

Ang mga pampublikong mag-oobserba ay HINDI maaaring:

  • Guluhin ang Pagboto o mga Manggagawa ng Halalan: Walang sinuman ang maaaring manggulo sa proseso ng pagboto o ang trabaho ng mga kawani ng lugar ng pagboto, halimbawa, ang mga mag-oobserba ay dapat panatilihing kaunti ang pag-uusap sa mga manggagawa ng halalan.
  • Pakikipag-usap sa mga Botante: Ang pakikipag-usap sa mga botante sa lugar ng pagboto ay hindi pinapayagan.
  • Pamamahayag/Kampanya: Walang sinuman ang maaaring mamahayag/magkampanya sa loob ng lugar ng pagboto, i.e., ang pagsusuot o pagdadala ng anumang bagay na may kaugnayan sa kampanya sa lugar ng pagboto ay hindi pinapayagan.
  • Gumamit ng mga Elektronikong Kagamitan sa Komunikasyon o Mga Kompyuter: Dapat patayin ng mga mag-oobserba ang mga two-way na radio, mga cellphone, at mga kompyuter sa loob ng lugar ng pagboto. Maaaring gumamit ng mga cellphone ang mga botante para lamang tingnan ang kanilang halimbawang balota.
  • Paglarawan, Videotape, o Sound Record na Pagboto: Ang isang miyembro ng pangkalahatang publiko ay hindi maaaring gumawa ng visual o audio na reproduksyon ng proseso ng pagboto sa isang lugar ng pagboto. Mga kamera, mga audio recorder, mga video camera, atbp., ay dapat ipasa sa Team Leader. Maaaring kunin ng mga may-ari ang kanilang ari-arian kapag umaalis sila sa lugar ng pagboto.
  • Tingnan ang Impormasyon ng Botante o mga Balota: Ang mga mag-oobserba ay hindi maaaring tingnan ang personal na impormasyon ng isang botante, ang balota ng isang botante, o mga pagpipilian sa makina ng pagboto.Makinig sa Usapan ng mga Manggagawa ng Halalan: Hindi maaaring makinig ang mga mag-oobserba sa anumang usapan sa pagitan ng mga manggagawa ng halalan o sa pagitan ng isang botante at mga manggagawa ng halalan.

Kung Ano ang Maaaring Gawin ng mga Kinatawan ng Media na May Tamang Kredensyal sa Isang Lugar ng Pagboto, ayon sa NRS 293.274:

Ang mga kinatawan ng media ay MAAARING:

  • Mag-video ng mga Pumayag na Tao sa Loob ng Lugar ng Pagboto: Ang pagkuha ng video ay hindi dapat lumabag sa pagiging lihim ng balota ng botante, halimbawa, walang direktang o malinaw na kuha ng balota ng botante, at hindi dapat makagulo sa proseso ng halalan.
  • Interbyuhin ang mga Pumayag na Tao: Maaaring interbyuhin ng mga kinatawan ng media ang mga pumayag na tao sa labas ng lugar ng pagboto.
Pag-post ng mga Tala

Ano ang Pag-post ng Tala?

Ang mga Pag-post ng mga Tala ay dapat na magagamit bilang pampublikong impormasyon para sa bawat Sentro ng Pagboto sa Araw ng Halalan. (NRS 293.301). Ang Pag-post ng mga Tala ay naglalaman ng mga pangalan ng mga taong bumoto sa Araw ng Halalan (sa alpabetikong pagkakasunod-sunod), kanilang address (kung hindi kumpidensyal), kanilang numero ng pagpaparehistro, kanilang numero ng presinto, at kung saan sila bumoto.

Paano at Kailan Titingnan ang Pag-post ng Tala

Ang pag-post ng mga Tala ay maaaring makita eksklusibo lamang sa online ayon sa lokasyon ng Sentro ng Pagboto, pagkatapos ng 7:00 n.u. sa Araw ng Halalan. Magkakaroon ng link sa homepage ng Departamento ng Halalan. Ang Pag-post ng mga tala ay agad na maa-update nang live at maaaring ayusin. Ang mga Pag-post ng Tala sa Papel ay hindi makikita sa mga indibidwal na Sentor ng Pagboto.

Mga Karatula

Ang Lalawigan ng Clark Departmento ng Halalan ay walang hurisdiksyon tungkol sa mga politikal na karatula. Para sa impormasyon tungkol sa mga karatula sa ari-arian sa ilalim ng hurisdiksyon ng:

  • Lalawigan ng Clark:
    Makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Public Response sa (702) 455-4191 o tingnan ang kanilang website.
  • Isang Incorporated na Lungsod:
    Para sa Boulder City, Henderson, Las Vegas, Mesquite, o North Las Vegas, makipag-ugnayan sa naaangkop na tanggapan ng Klerk ng Lungsod.
  • Nevada Department of Transportation (NDOT), Kasama ang mga Karatula sa tabi ng mga Pambansang Kalsada:
    Tumawag sa (702) 385-6541 o tingnan ang website ng NDOT.