Mga file ng datos ng Listahan ng Botante ay ina-update tuwing Lunes ng bawat linggo. Lahat ng format ng file ng datos ay naglalalman ng ASCII, comma-delimited na teksto at nasiksik sa pamamagitan ng self-extracting compression utility (tingnan ang post-download na mga tagubilin). Itong format ng file ay magbibigay daan sa iyo upang ma-import mo ang datos sa anumang pamantayang database utility, ngunit dahil sa laki ng mga files, hindi inirerekomenda na iyong subukan na i-import ito sa spreadsheet na aplikasyon. Mangyaring tingnan muli ang mga sumusunod na files para matulungan kang mas maintindihan ang layout ng file ng datos at paano magamit ang datos pagkatapos mai-download:
May dalawang uri ng files ng listahan ng botante na maaari i-download na nakalarawan sa ibaba:
Lahat: Ang file na ito ay naglalaman ng parehong "Aktibo" at "Hindi aktibo". Kapag ang Kagawaran ng Halalan ay hindi naabisuhan na ang botante ay hindi na nakatira sa tinitirahan na nakarehistro, pinapadalhan ang indibidwal ng forwardable mail sa pagtatangkang malaman ang kanyang bagong tinitirahan. Kung ang indibidwal ay hindi ma-kontak, ang botanteng iyon ay ilalagay sa estadong "Hindi aktibo" Ang indibidwal ay karapat-dapat pa ring bumoto (kung siya ay nakatira pa rin sa Clark County), ngunit ang tinitirahan naka-file ay mali.
Aktibo: Salungat sa inisia ng isa, ang estadong "Aktibo" ay walang kinalalaman sa dalas ng aktwal na pagboto ng indibidwal. Ang mga aktibong mga botante ay ang mga indibidwal (batay sa pinakamahusay na kaalaman ng Kagawaran Ng Halalan) na naninirahan pa rin sa tinitirahan na nakerehistro. Partikular, walang mga koreo na may ugnay sa halalan ay binalik na hindi maihatid.TANDAAN: Noon ika-5 ng Abril, 2012, ang kabuuan ng 56,290 na mga botante ay nilipat mula sa Aktibo sa estadong Hindi Aktibo. Para dagdag na impormasyon tungkol sa proseso o matingnan muli ang file ng mga botanteng hindi aktibo, mangyaring bisitahin ang aming r
pahina ng hindi aktibong mga botante.