SUB MENU
Mga Tarheta ng Rehistrasyon ng Botante
Ika-3 ng hunyo, 2015
Hindi Mo Kailangan ang Kard ng Pagpaparehistro ng Botante para Bumoto
HINDI mo kailangan ipakita ang iyong Kard ng Rehistrasyon ng Botante kapag ikaw ay bumoto ng maaga (bago ang Araw ng Halalan) or pagboto sa Araw ng Halalan. Maaari kang bumoto kung hindi mo dala o dala mo ito. Nguni't, kung dala mo ito mas mapadali ang proseso ng pagsign-in. Kung ikaw ay walang Kard ng Rehistrasyon ng Botante at gusto mo ng kapalit, tumawag sa (702) 455-7871 o magpadala ng email sa elinfo@ClarkCountyNV.gov.
Kailan Maaasahan ang Iyong Kard ng Rehistrasyon ng Botante
Ang Kagawaran ng Halalan ay magpapadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo ng Kard ng Rehistrasyon ng Botante kung kailanman na:
- Mag-sumite ng maaayos na kumpletong Aplikasyon ng Pagpaparehistro ng Botante
- Ginawa mong pangkasalukuyan ang iyong datos sa rehistrasyon, halimbawa, pagpalit ng pangalan, tinitirahan o partido
- Pinapalitan ng Kagawaran ng Halalan ang iyong lugar ng botohan, presinto o pampulitikang distrito
Kung hindi mo matatanggap ang iyong Kard sa loob ng dalawang linggo pagkatapos magsumite ng Aplikasyon ng Pagpaparehistro ng Botante o gawing pagkasalukuyan ang iyong rehistrasyon, o kung mawala mo ang iyong kard at nais mo ng isa pa, tumawag sa (702) 455-7871 o magpadala ng e-mail sa elinfo@ClarkCountyNV.gov.
Ang Mga Kards ng Rehistrasyon ng Botante ay Non-Forwardable na Koreo
Kung binalik ng opisina pang koreo ang iyong Kard ng Rehistrasyon ng Botante sa Kagawaran ng Halalan bilang “undeliverable” o nagpapahiwatig ng ikaw ay lumipat, ang iyong rehistrasyon ay maaaring gawing "HINDI AKTIBO". Ang ibig sabihin ay hihintuin ng Kagawaran ng Halalan ang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo ang iyong mga sampol na balota at mga materyales na angkop sa halalan (bagaman maaari ka pa ring bumoto ng maaga o sa lugar ng botohan batay sa tinitirahan na nakalista sa iyong mga rekord ng rehistrasyon).
Impormasyon sa Iyong Kard ng Rehistrasyon ng Botante
- Iyong Pangalan
- Iyong bahay na tinitirahan at direksyon pang koreo (kung iba sa bahay na tinitirahan)
- Iyong Kaakibat na Pampulitikang Partido
- Numero ng iyong presinto at hiwatig na kung ito ay isang "mailing precinct"
- Lokasyon ng iyong lugar ng botohan
- Mga distrito pampulitika kung saan ka may karapatan bumoto
Tingnan ang Iyong Datos ng Rehistrasyon Online
Mabilis tingnan ang iyong pangkasalukuyang datos sa pamamagitan ng paglog-in sa Mga Serbisyo para sa mga Rehistradong Botante at piliin ang Tingnan ang Impormasyon sa Aking Rehistrasyon mula sa dropdown menu.
https://main--clarkcountynv--aemsites.aem.page/assets/images/government/departments/elections/tagalog/mga_serbisyo/pagpaparehistro_ng_botante/voteregcard-fil.jpg
Halimbawa na Kard para sa Pagpaparehistro ng Botante