Search

Mga Tagapagtala sa Field

Mga Tagapagtala sa Field

Huling Ginawang Kasalukuyan Noong Ika-18 Ng Hunyo, 2012

Pangkalahatang-Ideya

Mga Tagatala sa Field ay mga boluntaryo na binahasa ng Kagawaran ng Halalan upang mairehistro ang kwalipikadong mga botante sa ngalan ng Tagapagtala ng mga Botante.  Mga Tagatala sa field ay hindi maaaring sumali sa mga gawain ng mga partido habang kumakatawan ng Kagawaran ng Halalan.  

Mga Kailangan

Para maging Tagatala sa Field, ikaw ay dapat:

  • Isang rehistradong botante sa Clark County
  • Hindi isang kandidato para sa nominasyon o halalan 
  • Hindi laboring sa ilalim ng anumang hatol na mabigat na kasalanan o ibang pagkatanggal ng sibil na mga karapatan
  • Mayroong pagkakakilanlan na may larawan
  • Matagumpay na nakumpleto ang pagbibihasa para maging Tagatala sa Field.
                                                                                   
Pagsasanay

Malamang na magiging Tagatala sa Field ay dapat makadalo ng mga dalawang oras na pagsasanay sa mga ligal na pag-uugali ng kanilang mga aktibidad, kasama ang mga: 

  • Mga patakaran, pamamaraan at mga paghihigpit         
  • Mga huling Araw at oras
  • Pag-iingat ng mga materyales para sa pagpaparehistro   

Mga  aplikante ay kailangan pumasa sa isang maikling pagsusuri sa katapusan ng sesyon ng pagsasanay.  Mga matagumpay na aplikante ay dapat maglagda ng Panunumpa bilang isang Tagatala sa Field at tatanggap ng pagkilala na tsapa para masuot habang nagrerehistro ng mga botante. 

Mga Klase Para Sa BAgo At Umiiral Na Mga Tagatala Sa Field 

ISKEDYUL NG KLASE 

Lahat ng mga klase ay gaganapin sa ika-10:00 n.u. sa Liberty Room matatagpuan sa SEntro ng Halalan ng Clark County, 965 Trade Drive, Suite B, North Las Vegas. Ang mga nais dumalo sa mga klase ng Tagatala sa Field ay dapat magparehistro hindi bababa ng dalawang araw bago sa klase. Karagdagang mga klase ay maaaring ma iskedyul depende sa pangangailangan.  TAwagan si Brenda sa (702) 455-0076 o magpadala ng e-mail bmiller@ClarkCountyNV.gov para magparehistro sa isang klase o para sa impormasyon. Ang iskedyul ng klase ay nasa ibaba.

BAGO AT UMIIRAL NA TAGATALA SA FIELD
2012 ISKEDYUL NG KLASE
DATE DAY TIME
Ika-26 ng Hunyo Martes 3:00 n.h. -   5:00 n.h.
Ika-28 ng Hunyo Huwebes 10:00 n.u. - 12:00 n.h.
Ika-9 ng Hulyo Lunes 10:00 n.u. - 12:00 n.h.
Ika-11 ng Hulyo Miyerkules 3:00 n.h. -   5:00 n.h.
 Ika-7 ng Agosto Martes      10:00 n.u. -  12 n.h. 
 Ika-9 ng Agosto Huwebes  3:00 n.h. -    5:00 n.h. 
 Ika-5 ng Setyembre     Miyerkules  3:00 n.h. -    5:00 n.h.

UMIIRAL NA MGA TAGATALA SA FIELD

Mga uniiral na Tagatala sa Field na may mga tsapa na lilipas sa 2012 ay kinakailangang dumalo sa isang klase na pagsasanay para baguhin muli ang tsapa at gawin pangkasalukuyan ang impormasyon.

MGA KLASE PARA SA MGA GRUPO O ORGANISASYON NA MAGSASAGAWA NG PANGANGAMPANYA NG PAGPAPAREHISTRO

Mga grupo at organisasyon na nais mairehistro ang mga botante, ngunit hindi gustong maging Tagatala sa Field, ay maaaring makakuha ng mga Aplikasyong ng Pagpaparehistro ng Botante na mail-in para sa pangangampanya ng pagpaparehistro, sa pagtugon sa ilang kundisyon. Itong mga grupo ay maaaring gumawa ng pagsasaayos para dumalo sa isang mail-in Voter Registration Application distribution class sa halip ng klase pang tagatala sa field.  Tumawag sa (702) 455-0076 para sa karagdagang detalye.

Umiiral Na Mga Tagatala Sa Field 

"NOTICE OF INTENT"

Sa o bago mag Oct 11, 2012, lahat ng kasalukuyang nahirang na mga Tagatala sa Field  ay dapat magpaliwanag ng hindi paggamit na mga Aplikasyon ng Pagpaparehistro ng Botante na hindi niya sinauli sa Tagapagtala ng mga Botaante ng Clark County, ayon sa NRS 293.505(5). Upang matugunan ang kahilingan na ito, ang mga Tagatala sa Field ay dapat magkumpleto at magsumite ng "form ng Notice of Intent" sa o bago sa huling araw at oras na nasa itaas. Ang form ay nagbibigay din ng abiso kung ang tao ay nagnanais magpatuloy magsilbi bilang Tagatala sa Field.  Maaari mong i-print ang "form ng Notice of Intent" mula sa aming website.

PAGGAWANG PANGKASALUKUYAN ANG IYONG APLIKASYON NG TAGATALSA SA FIELD

Maaari mong gawing pangkasalukuyan ang impormasyon sa iyong aplikasyon ng Tagatala sa Field kahit anumang oras sa pamamagitan ng pagprint, pagkumpleto at pagsumite ng form ng Field Registrar Application Update".

Tumawag kay Brenda sa (702) 455-0076 o magpadala ng e-mail sa bmiller@ClarkCountyNV.gov upang magrehistro para sa klase o sa karagdagang impormasyon.

Mga Gawaing Labag Sa Batas / Pagbabawal

Tingnan ang aming pahina sa Mga Gawaing Labag sa Batas/Pagbabawal para sa mga Tagatala sa Field upang tingnan muli ang mga batas Pampederal at Estado, mga paglabag at mga parusa.

Sign up for Clark County Newsletters

Subscribe today to get your neighborhood news