Search

Mga Taong Nuong Nakaraan na Nagkasala at Nabilanggo

Mga Taong Nuong Nakaraan na Nagkasala at Nabilanggo

Ginawang Pangkasalukuyan noong ika-18 ng Oktubre, 2018

Mga Kondisyon

KUNG ikaw ay nahatulan sa Nevada noon o pagkalipas ng ika-1 ng Hulyo, 2003  ng:

Isang kategorya A o B na mabigat na kasalanan na nagresulta sa matinding pinsala sa katawan ng biktima, o 
Dalawa o higit na mga mabigat na kasalanan, maliban ang mga hatol ay nanggaling sa parehong gawa.    

Maaari kang magpetisyon sa hukuman ng hurisdiksyon ng kakayahan para sa isang kautusan ng panunumbalik ng iyong karapatan bilang mamamayan. 

KUNG ikaw ay nahatulan sa Nevada na nagkasala ng isang mabigat na kasalanan maliban sa Kategorya A o B na nilarawan sa itaas, at:

Marangal na pinagpawi mula sa probasyon, o  
Marangal ng pinagpawi mula sa parol, o 
Inilabas mula sa bilangguan. 

Naibalik ang mga sumusunod na mga karapatan bilang mamamayan:

Ang karapatan para makaboto; at
Ang karapatan upang magbigay serbisyo bilang hurado sa isang sibil na aksyon. 
Apat na taon matapos ang marangal na pagpawi mula sa parol o probasyon, patawad, o inilabas mula sa bilangguan, ang karapatan humawak ng opisina.
Anim na taon matapos ang marangal na pagpawi mula sa parol o probasyon, patawad, o inilabas mula sa bilangguan, ang karapatan magsilbe bilang hurado sa isang kriminal na aksyon.
KUNG nakatanggap ka ng patawad na walang kondisyon

Nanambalik ang iyong mga karapatan bilang mamamayan at natanggalan ng lahat ng kapansanan na natamo sa hatol. 

KUNG ikaw ay nahatulan ng mabigat na kasalanan sa pederal na hukuman o nahatulan sa  ibang estado

Tawagan ang Kagawaran ng Halalan ng Clark County sa (702) 455-0075 o (702) 455-8683 para sa direksyon.

KUNG ikaw ay nahatulan ng pampederal sa isang Hukuman ng Distrito ng Estados Unidos ng Nevada  

AT ang Kagawaran ng Halalan ay nagpasabi na dapat kang magbigay ng: 
Isang Order Terminating Probation o 
Isang nalagdaan na sulat mula sa Hukuman ng Distrito na saan ka pinangasiwaan

AT wala ka nitong dokumentasyon 
CTawagan ang pangunahing telepono ng U.S. District Probation and Parole Department sa (702) 388-6428.

Pagrerehistro upang Bumoto

Pangkalahatang Impormasyon

Upang makaboto, dapat kang nakarehistro. Upang makarehistro para makaboto, dapat mong matugunan ang mga kwalipikasyon at maayos na kumpletuhin at i-sumite ang isang VAplikasyon ng Pagpaparehistro ng Botante sa naaangkop na huling araw at oras.  Maaari kang humingi ng Aplikasyon sa Internet.Mga taong nahatulan ng mabigat na kasalanan ay dapat magbigay ng  documentasyon.Dokumentasyon na KailanganAng dokumentasyon na nakalista sa ibaba ay kailangang iharap sa sa Kagawaran ng Halalan upang matiyak na ang iyong rehistrasyon ay hindi pagkatapos makansela:

Tagaprobasyon:   Petition and Order for Honorable Discharge
Parolee: Final Discharge from Parole
Bilanggo: Certificate of Discharge
Napatawad: Unconditional Pardon

Sa Halip ng mga Dokumento sa ItaasMaaari kang magsumite ng “PAGPAPAHAYAG TUNGKOL SA KATAYUAAN NG IYONG HATOL SA PAGLABAG NG BATAS”  na pinatutunayan na ang iyong karapatang sibil ay naipanumbalik ng kapangyarihan kung saan ka nahatulan ng krimen.  Ang kopya ng Deklarasyon ay maaaring kunin sa Internet para ilimbag.Maaaring tumawag sa Kagawaran ng Halalan sa (702) 455-0075 o (702) 455 8683 upang humiling ng isa at ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo.

Ipadala ang Iyong Dokumentasyon sa Isa sa mga Paraan sa Ibaba

Personal: Opisina ng Sentro ng Halalan ng Clark County (Mag-klik Dito para sa Mapa)
965 Trade Drive, Suite A, North Las VegasPamantayan na mga Oras:  8 n.u. - 5 n.h., Lunes hanggang Biyernes
Opisina ng Kagawaran ng Halalan ng Clark County (Mag-klik para sa Mapa)
Clark County Government Center, First Floor, Suite 1117500 South Grand Central Parkway, Las VegasPamantayan na mga Oras:  8 n.u. - 5 n.h., Lunes hanggang Biyernes
FAX: (702) 455-2831Atensyon: Elisset Maestri
Koreo:   Kagawaran ng Halalan ng Clark County Atensyon: Elisset MaestriP.O. Box 3909Las Vegas, NV 89127-3909

Kung Nahatulan sa Nevada at Wala Ka nang mga Kailangan na Dokumentasyon 

Makipag-ugnay sa mga Wastong Ahensya:

Kung ikaw ay pinauwi mula sa parol o probasyon
Makipagugnay sa Parole and Probation Division (mga hiling ng dokumentasyon ay dapat nakasulat):
  Telepono: (775) 684-2600
  FAX: (775) 684-2693
  Koreo:   Nevada Dept. of Public Safety - Division of Parole and ProbationAtensyon:  Records Unit1445 Old Hot Springs Road, Suite 104Carson City, NV 89706 
Kung ikaw ay pinalaya mula sa bilangguan
Makipagugnay sa Nevada Department of Corrections (NDOC) (mga hiling ng dokumentasyon ay dapat nakasulat):
  Telepono: (775) 887-3285 (Pangunahing Numero)
    (775) 887-3250 (Shelly Williams, Records Manager)
  FAX: (775) 887-3329
  Koreo:   NDOCAtensyon: RecordsPO Box 7011Carson City, NV 89702 
Kung ikaw ay nakatanggap ng kapatawaran
Makipagugnay sa Parole and Pardon Board sa pamamagitan ng telepono sa (775) 687-8278.
Mga Batas at mga Regulasyon

NRS at NAC na mga Sanggunian

Ang mga sumusunod ay mga batas ng Nevada at mga regulasyon na naaangkop sa pagpanumbalik ng mga karapatan ng pagboboto sa mga nahatulan noon ng mabigat na kasalanan:

NRS 176A.850   Marangal na pagpauwi mula sa probasyon: Kapag nabigyan;  panumbalik ng mga karapatan bilang mamamayan; epekto; dokumentasyon.
NRS 213.090 Patawad: Panumbalik ng mga karapatan bilang mamamayan; tanggalan ng kapansanan; mga limitasyon.
NRS 213.155 Panumbalik ng mga karapatan bilang mamamayan; mga limitasyon.                       
NRS 213.157  Panumbalik ng mga karapatan bilang mamamayan pagkatapos masilbi ang sentensya; mga limitasyon. 
NRS 293.540  Mga kalagayan na kailangan ng klerk ng county para makensela ang rehistrayon ng botante.
NRS 293.543  Pagpaparehistro muli pagkatapos ng pagkakansela ng rehistrayon. 
NAC 293.414  Taong nahatulan ng mabigat na kasalanan.

Sign up for Clark County Newsletters

Subscribe today to get your neighborhood news