SUB MENU

Militar o Hukbo ng Kawal at sa mga nasa Ibang

Huling Ginawang Pangkasalukuyan ika-8 ng Oktubre, 2016

MAG-KLIK DITO PARA SA FPCA NA SASAGUTIN, I-SAVE AT I-PRINT(PDF)

Karagdagang impormasyon ay nasa Federal Voting Assistance Program (FVAP) web site.

DAPAT KANG MAGSUMITE NANG FPCA TAONG TAON
kung nais mong makatanggap ng manliliban/ikoreo na balota

Mga Angkop na Petsa at mga Nakatakdang Panahon para sa “Federal Post Card Application” (FPCA)



Takdang Petsa
IKA-11 NG OKTUBRE, 2016 TAKDANG PETSA: Militar at ang mga taong nakatira sa ibang bansa at dapat magsumite nang FPCA para sa Ika-8ng Nobyembre, 2016 Estado/Pederal na Halalan at dapat bago o sa Ika-11ng Oktubre, 2016 (ang tatak sa selyo) kung nais magparehistro upang makaboto o baguhin o gawing pangkasalukuyan ang rehistrasyon, at kung nais humiling ng ikoreo/manliliban na balota.

Nakatakdang Panahon kung Kailan Maasahan ang Iyong Balotang pang Koreo / Manliliban

Sa mga halalan pang pederal/estado (mga taong even–numbered), ang paghahatid ng mga balota ay magsisimula 20 araw bago sa Araw ng Halalan para sa mga botante na nasa loob ng estado at 40-45 araw bago sa Araw ng Halalan para sa mga nasa labas ng estado. Kung humiling ka ng balotang pang koreo/manliliban at hindi natanggap ito sa loob ng hindi bababa ng 10 araw bago sa Araw ng Halalan, makipag-ugnay KAAGAD sa Kagawaran ng Halalan ng Clark County. Huwag magpaantala dahil ang maiksing panahon ay magpapahirap sa iyo upang makatanggap, bumoto at ibalik ang balotang pang koreo/manliliban sa o bago mag ika-7:00 n.g. sa Araw ng Halalan.

Nakatakdang Petsa at Oras ng Napagbotohan na Balotang pang Koreo/Manliliban

Dapat MATANGGAP ng Kagawaran ng Halalan ang iyong napagbotohan na balotang pang koreo/manliliban hindi lalampas ng Araw ng Halalan, upang ang iyong balota ay masama sa bilangan. Mga kasama sa pagpipilian upang magsumite ay sa pamamagitan ng koreo, fax, email o personal na ihatid, mga detalye ay kasama sa pakete ng balota pang koreo/maniliban na ipapadala namin.

Magparehistro upang Bumototo at/o Humiling ng Balota pang Koreo/Manliliban



Gamitin ang FPCA

Para magparehistro upang bumoto at/o humiling ng balota pang Koreo/Manliliban, personel ng militar at ang kanilang mga umaasa sa kanila (asawa o mga anak na higit sa 18 taong gulang) pansamantalang nakatira sa labas ng estado ng Nevada, at mga residenteng pansamantalang naninirahan sa labas ng bansa, ay dapat mag sumite ng “Registration and Absentee Ballot Request - Federal Post Card Application” (FPCA) sa halip ng standard Aplikasyon ng Pagpaparehistro at/o Tarheta ng Kahilingan ng Balotang pang Koreo. Ang FPCA ay balido hanggang sa susunod na dalawang regular na naka-iskedyul na mga halalan na pangkalahatan para sa mga pederal na opisina.

Saan Kukunin ang FPCA

Pagsusumite ng Iyong Nakumpletong FPCA

Mga Pagpipilian na mga paraan sa Paghahatid ng FPCA (Pumili ng Isa Lamang)

Mga Tanong at mga Pagkukunan



QMga TAnong para sa Kagawaran ng Halalan ng Clark County

Kung ikaw ay may mga tanong, mangyaring makipag-ugnay sa Kagawaran ng Halalan (702) 455-6552 o magpadala ng e-mail sa elinfo@ClarkCountyNV.gov.

Mga Pagkukunan galing sa FVAP

Para sa karagdagang detalyeng impormasyon, pumunta sa naaangkop na website ng Federal Voting Assistance Program (FVAP) website: