Search

Mga Tanong sa Balotam, Pangkalahatang Halalan, 2022

  
TANONG NG ESTADO BLG. 1

Pagsusog sa Saligang-batas ng Nevada
Blg. 8 ng Pinagsamang Resolusyon ng Senado ng ika-80 Sesyon
PAGPAPAIKLI (Tanong sa Balota)

Dapat bang baguhin ang Saligang-batas ng Nevada sa pamamagitan ng pagdaragdag ng partikular na garantiya na hindi dapat tanggihan o bawasan ng Estadong ito o ng alinman sa mga lungsod, lalawigan, o iba pang pulitikal na subdibisyon nito ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan sa ilalim ng batas dahil sa lahi, kulay, paniniwala, kasarian, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian pagpapahayag ng kasarian, edad, kapansanan, ninuno, o bansang pinagmulan?

Paliwanag at Argumento      Buong Legal na Teksto      Audio Bersyon

TANONG NG ESTADO BLG. 2
Pagsusog sa Saligang-batas ng Nevada
Blg. 10 ng Pinagsamang Resolusyon ng Kapulungan ng ika-80 Sesyon

Dapat bang baguhin ang Saligang-batas ng Nevada, na magkakaroon ng bisa sa Ika-1 ng Hulyo, 2024, upang: (1) itakda ang pinakamababang sahod ng Estado na dapat bayaran ng mga taga-empleyo sa ilang partikular na empleyado sa sahod na $12 kada oras na nagtrabaho, na napapailalim sa anumang naaangkop na pagtaas na mahigit sa $12 na sahod na iyon na isasaad ng pederal na batas o pagtitibayin ng Lehislatura ng Nevada; (2) alisin ang mga kasalukuyang probisyon na nagtatakda ng iba’t ibang sahod para sa pinakamababang sahod batay sa kung nag-aalok ang taga-empleyo ng ilang partikular na benepisyo sa kalusugan sa mga naturang empleyado o hindi; at (3) alisin ang mga kasalukuyang probisyon para sa pagsasaayos ng pinakamababang sahod batay sa mga naaangkop na pagtaas sa gastusin sa pamumuhay?

Paliwanag at Argumento      Buong Legal na Teksto      Audio Bersyon

TANONG NG ESTADO BLG. 3
Pagsusog sa Saligang-batas ng Nevada

Dapat bang baguhin ang Saligang-batas ng Nevada para bigyan ang lahat ng botante ng Nevada ng karapatang lumahok sa mga bukas na pangunahing halalan para pumili ng mga kandidato para sa pangkalahatang halalan kung saan, ang lahat ng botante ay maaaring isaayos ang kalagayan ng mga natitirang kandidato ayon sa kagustuhan para sa mga katungkulan ng mga Senador ng U.S., Mga Kinatawan ng U.S., Gobernador, Tenyente Gobernador, Kalihim ng Estado, Tesorero ng Estado, Kontroler ng Estado, Pangunahing Abogado, at mga Mambabatas ng Estado?

Paliwanag at Argumento      Buong Legal na Teksto      Audio Bersyon

TANONG SA BALOTA BLG. 1
LUNGSOD NG HENDERSON (HEN-1)

Dapat bang amyendahan ang Kapangyarihan ng Lungsod ng Henderson upang hilingin na ang isang kandidato para sa miyembro ng Konseho ng Lungsod, ng Lungsod ng Henderson ay pagbobotohan lamang ng mga rehistrado’ng botante ng purok na gusto’ng katawanin ng kandidato?

Paliwanag at Argumento      Audio Bersyon

TANONG SA BALOTA BLG. 1
Lungsod ng Boulder City

Dapat bang pahintulutan ng Lungsod ng Boulder City ang pagbebenta ng humigit-kumulang 16.3 ektarya ng lupaing pagmamay-ari ng Lungsod at matatagpuan sa timog-silangan ng Boulder City Parkway at Veterans Memorial Drive para sa kaunlaran ng isang tindahan ng pamilihan at mga nauugnay na tingian na paggamit, at gastusin ang mga malilikom mula sa Capital Improvement Fund ayon sa sumusunod: limampung porsyento (50%) na gagamitin para sa pangkalahatang pangangailangan sa pondo ng kapital, gaya ng pagpapahusay ng kalye, kalsada, paradahan, eskinita, at mga pagpapabuti ng trail, at pagsasaayos ng mga kasalukuyang bagay na may halaga na pag-aari ng Lungsod; tatlumpung porsyento (30%) na gagamitin para sa mga pangangailangan sa kapital ng kaligtasan ng publiko; sampung porsyento (10%) na gagamitin para sa mga pangangailangan ng kapital sa Elaine K. Smith Center na nasa 700 Wyoming Street; at sampung porsyento (10%) na gagamitin para sa pangangalaga ng mga makasaysayang bagay na may halaga na pag-aari ng Lungsod?

Paliwanag at Argumento      Audio Bersyon

TANONG SA BALOTA BLG. 2
Lungsod ng Boulder City

Dapat bang pahintulutan ng Lungsod ng Boulder City ang mga teknolohiya sa malinis na enerhiya gaya ng Battery Energy Storage, Carbon Capture, at Clean Hydrogen, na bukod pa sa dalawang pasilidad ng henerasyon ng natural na gas sa kasalukuyan o na iminumungkahi alinsunod sa mga umiiral na paupa na maging mga aprubadong paggamit sa Eldorado Valley Transfer Area sa labas ng Multi-species Habitat Conservation Easement?

Paliwanag at Argumento      Audio Bersyon

TANONG SA BALOTA BLG. 3
Lungsod ng Boulder City

Dapat bang gumastos ang Lungsod ng Boulder City ng hanggang Pitong Milyong Dolyar ($7,000,000.00) mula sa Capital Improvement Fund para sa mga pagpapahusay sa kaligtasan ng publiko, kasama, nang walang limitasyon, ang konstruksyon ng isang bagong istasyon ng pulisya at konstruksyon ng isang pasilidad sa pagsasanay sa istasyon ng bumbero?

Paliwanag at Argumento      Audio Bersyon

Sign up for Clark County Newsletters

Subscribe today to get your neighborhood news