SUB MENU

Pangkalahatang Impormasyon tungkol sa mga Balota pang Koreo/Manliliban

Huling Ginawang Pangkasalukuyan Noong Ika-15 Ng Hulyo, 2024

Huling Ginawang Pangkasalukuyan Noong Ika-15 Ng Hulyo, 2024

Simula noong 2022, inumpisahan ng Nevada ang paggamit ng koreong balota sa lahat ng halalan. Ang lahat ng “aktibong” botante na nakapagparehistro upang bumoto nang hindi lalagpas sa 14 na araw bago ang Araw ng Halalan ay makakatanggap ng koreong balota humiling man sila or hindi maliban kung sila ay nag opt out.

Pagpapadala ng Balota sa mga Botante Ang pagpapadala ng mga balota ay magsisimula ng hindi lalampas sa 20 na araw bago ang Araw ng Halalan para sa mga botanteng nasa loob ng estado at hindi lalampas sa 40-45 na araw bago ang Araw ng Halalan para sa mga botanteng nasa labas ng estado. Kung hindi mo natanggap ang iyong pakete ng koreong balota sa simula ng maagang pagboto, tumawag kaagad sa Departamento ng Halalan sa (702) 455-7871 o magpadala ng e-mail sa MailBallotRequest@ClarkCountyNV.govPagboto ng Personal Sa halip na bumoto sa pamamagitan ng koreo, maaaring bumoto nang personal sa isang makina ng pagboto alinman sa maraming maginhawang lugar ng maagang pagboto o sentro ng pagboto sa Araw ng Halalan, kahit na nakatanggap ka ng koreong balota. Kahit saan ka man nakatira o ano man ang iyong presinto sa Lalawigan ng Clark, maaari kang bumoto sa anumang lugar ng pagboto sa Lalawigan ng Clark na iyong pipiliin. An iskedyul ng maagang pagboto at listahan ng mga sentro ng pagboto sa Araw ng Halalan ay nasa pakete ng iyong koreong balota, sa iyong halimbawang balota, at online sa https://main--clarkcountynv--aemsites.aem.page/vote. Kung hindi ka mag opt out sa pagboto gamit ang koreong balota at boboto ka nang personal sa halip na sa pamamagitan ng koreo, ang mga sumusunod ay naaangkop:

Mga Kahong Paghuhulugan ng Koreong Balota Ang Departamento ng Halalan ay gagawin na madaling ma-access, maginhawang lokasyon, at malawakang available ang mga secure na drop box para sa koreong balota, kabilang sa lahat ng mga lugar ng maagang pagboto at lahat ng mga sentro ng pagboto sa Araw ng Halalan. Ito ay magiging isang krimen para sa sinuman ang magbigay ng mga kahon na ito maliban sa Departamento ng Halalan. Maaari mong ideposito ang iyong koreong balota sa isang nakakandado, at matibay na drop box sa halip na ipadala ito sa pamamagitan ng koreo. Dapat na selyuhan pa rin ang iyong balota sa loob ng sobreng binayaran sa selyo na partikular na ibinigay para sa iyo, na nagpapakita ng iyong pangalan at tirahan, at dapat mo ring pirmahan ang labas ng sobreng iyon bago ito ilagay sa drop box (huwag ilagay ang iyong balota sa sobreng ibabalik ng ibang botante). Ang mga lokasyon at oras ng drop box ay nasa pakete ng iyong koreong balota, sa iyong halimbawang balota, at online sa https://main--clarkcountynv--aemsites.aem.page/vote.

Tatak-koreo para sa Koreong Balota na may Boto at Takdang-panahon ng Pagtanggap Ang mga koreong balota na may boto na ipinadala sa Post Office ay dapat: (1) Ipinadala sa prepaid na return envelope na ibinigay para sa iyo, na nagpapakita ng iyong pangalan at address, at kailangan mo ring pirmahan ang labas ng sobre na iyon bago ito ipadala (huwag ilagay ang iyong balota sa sobreng ibabalik ng ibang botante); (2) Mayroong tatak-koreo sa o bago ang Araw ng Halalan; at (3) Matatanggap ng Departamento ng Halalan sa o bago mag 5:00 n.h sa ikaapat na araw pagkatapos ng Araw ng Halalan.

Pagsuri sa Kalagayan ng Ibinalik
Sa panahon ng halalan, maaari mong suriin online kung natanggap na ng Departamento ng Halalan ang iyong koreong balota na may boto. Mag log-in sa Mga Serbisyo para sa Rehistradong Botante at piliin ang "Subaybayan ang Aking Koreong Balota" mula sa dropdown menu.

Petsa ng Pagtatapos para sa mga Isyu ng Pagsasaayos ng Pirma sa Koreong Balota Kung may tanong tungkol sa iyong pirma sa labas ng iyong sobreng ibinalik na koreong balota o kung hindi mo pinirmahan ang labas ng sobre na iyon, ang Departamento ng Halalan ay magbibigay-alam sa iyo gamit ang kontak na impormasyon sa iyong pagpaparehistro bilang botant. Magkakaroon ka hanggang 5 ng hapon sa ikaanim na araw pagkatapos ng Araw ng Halalan upang magbigay ng kumpirmasyon ng pirma o aktwal na pirma, ayon sa naaangkop.

Mga Militar at Mga Nasa Ibang Bansa na Botante - Pagpaparehistro at/o Pagboto sa pamamagitan ng Koreo
Mangyaring tingnan ang aming web page para sa militar at mga nasa ibang bansa na botante.

Mga Labag sa Batas na Gawain