SUB MENU
Mga Makina para sa Pagboboto at mga Tagubilin
Huling Ginawang Pangkasalukuyan Noong Ika-6 Ng Oktubre, 2024
Instruksyon sa Pagboto
Pindutin ang link sa ibaba para sa mga intruksyon kung paano bumoto sa mga touch-screen na makina ng Lalawigan ng Clark:
Proseso ng Pagboto
Sumaryo
Ang inyong pagkakakilanlan at karapat dapat na bumoto ay dapat beripikahin sa lugar ng pagboto bago ka payagang bumoto. Ang inyong pangalan at ang paghahambing ng inyong sulat-kamay na pirma sa inyong facsimile na pirma sa mga tala ng Departamento ng Halalan ang mga karaniwang paraan ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan, ngunit maaaring kailanganin ang karagdagang impormasyon, depende sa inyong partikular na sitwasyon. Kaya, palaging magandang ideya na magdala ng larawang pagkakakilanlan at ng inyong halimbawang balota. Maging mapamatyag na ang Klerk ay kinakailangang ipahayag ang inyong pangalan (at partido sa Pangunahing Halalan) nang malakas, ayon sa NRS 293.285. Bawal ang mga write-in na kandidato, ayon sa NRS 293.270.
Maagang Pagboto Bago ang Araw ng Halalan (ang mga Oras at Araw ay nag iiba-iba depende sa lokasyon)
Sinumang botante na nakarehistro sa Lalawigan ng Clark ay maaaring bumoto sa anumang lugar ng maagang pagboto saan man sa Lalawigan. Ang mga kompyuter sa bawat lokasyon ay kumokonekta sa sentralisadong mga file ng pagpaparehistro ng mga botante ng Departamento ng Halalan. Ang inyong rekord ay ina-update sa oras ng pagboto, kaya't pinipigilan nito ang sinuman na bumoto ng dalawang beses. Upang simulan ang proseso ng pagboto, ibigay ang inyong pangalan sa Komputer Klerk at beberipikahin niya ang inyong pagkakakilanlan at karapatang bumoto, pagkatapos ay bibigyan ka ng activation kard para sa makina ng pagboto. Maaari ka nang magpatuloy sa isang touch-screen na makina ng pagboto upang bumoto. Ipasok ang kard sa makina upang ma-activate ito para sa inyong partikular na presinto. (at Partido sa Pangunahing Halalan). Kapag natapos ka nang bumoto, agad na ibalik ang kard sa isang maggagawa ng halalan.
Araw ng Halalan (Ang pagboto ay mula 7:00 n.u. hanggang 7:00 n.g.)
Sa Araw ng Halalan, sinumang botante ang nakarehistro sa Lalawigan ng Clark ay maaaring bumoto sa anumang Sentro ng Pagboto kahit saan sa Lalawigan. Ang proseso ng pagboto ay pareho para sa maagang pagboto (tingnan sa itaas).
Mga Touch-Screen na Makina ng Elektronikong Pagboto
Pinuno sa Teknolohiya
Ang Departamento ng Halalan ng Lalawigan ng Clark ay kinikilala sa buong Estados Unidos bilang isang lider sa pagsasama ng teknolohiya sa proseso ng pagboto. Parehong sa panahon ng maagang pagboto at sa Araw ng Halalan, makikita mong mabilis at madali ang pagboto.
Mga Elektronikong Touch-Screen na Makina ng Pagboto
Ang mga touch-screen na makina ay ginagamit sa lahat ng mga lokasyon ng pagboto sa Lalawigan ng Clark. Katulad ng hitsura ng isang elektronikong tableta, pinadali ng mga makina ang pagboto at tinutulungan ka sa buong proseso ng pagboto. Ire-rehistro mo ang inyong mga pagpipilian at iboboto mo nang elektronik sa pamamagitan ng pag-tap sa isang screen. Kapag nagawa mo na ang lahat ng inyong mga pagpili, isang printer ang magtatala ng inyong mga pinili at kailangan mong kumpirmahin na tama ang mga ito bago mo isumite ang inyong boto. Kung nagkamali ka, i-void mo ang papel na rekord, ituwid ang inyong pagkakamali sa touch-screen na makina, at muling i-print ng printer ang inyong mga pinili. Pagkatapos mong kumpirmahin na tama na ang printout, isusumite mo na ang inyong boto sa balota. Ang papel na magtatala at pagkatapos ay nag-scroll pawala sa paningin at ang makina ay magre-reset para sa susunod na botante. Ang mga touch-screen na makina ay nagpapahintulot sa iyo na bumoto sa Ingles, Espanyol, o Filipino, at sumusuporta sa audio na pagboto para sa mga may kapansanan sa paningin, pati na rin ang sip-and-puff na teknolohiya.
Mga Balotang Papel na Na-Optical Scan
Deskripsyon
Ang mga balotang papel na na-optical scan ay ginagamit para sa pagboto sa ng koreong balota at hamon sa pagboto.
Paano Bumoto gamit ang Na-Optical Scan na Balota
Ang Lalawigan ng Clark ay nagsimulang gumamit ng ganitong uri ng sistema ng pagboto sa unang pagkakataon noong halalan ng 2004. Makakatanggap ang mga botante ng mga instruksyon sa pagboto kapag natanggap nila ang kanilang balotang papel na na-optical scan.
Seguridad
Katumpakan at Integridad
Maaaring maging kumpiyansa ang mga residente ng Lalawigan ng Clark sa katumpakan at integridad ng bawat halalan:
Ang mga elektronikong touch-screen na makina ng pagboto ay mga stand-alone na yunit at hindi maaaring "ma-hack" dahil hindi sila konektado sa isang network.
- Ang software na ginagamit sa bawat makina ay nakuha nang direkta mula sa Kalihim ng Estado na tinanggap ito nang direkta mula sa pederal na laboratoryo na sumubok dito. Ito ay pagkatapos na beripikahin gamit ang mga hash coding algorithm upang matiyak na walang sinuman ang nakialam dito at na ito ang eksaktong software na sinubukan ng pederal na laboratoryo.
- Ang mga makina ay nakaimbak sa isang ligtas na kapaligiran kung saan ang pag-access ay limitado at minomonitor ng mga kamera, motion sensor, at iba pang mga sistema ng sensor at pagmamanman ng mga tauhan.
- Ang mga makina ay dinadala sa mga lokasyon ng halalan sa paraang pinipigilan ang sinuman na manipulahin ang mga ito nang hindi agad na napapansin ng mga manggagawa ng halalan.
- Sa wakas, kapag natapos na ang halalan, lahat ng mga resulta ay ina-audit. Ang bilang ng mga indibidwal na pumirma sa mga rehistro ng presinto ay itinatapat sa bilang ng mga nagsumite ng boto sa balota, at ang mga elektronikong naitalang resulta ay itinatapat sa mga resulta na napatunayan ng mga botante sa mga papel na printout.