Ano ang Maagang Pagboboto
Mula noong 2000, mas maraming tao sa Clark County ay bumuboto bago ang Araw ng Halalan Day kay sa Araw ng Halalan, ito ay dahil sa resulta ng Programa ng Maagang Pagboboto ng Clark County (nabibilang dito ang maliit na porsyento na nagmula sa mga balotang pang koreo/manliliban). Ang mga lugar na may maagang pagboboto sa mga maraming kalapit na distrito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karapat-dapat na mga botante na bumoto sa oras at lugar na kombenyente sa kanila. Kasama sa mga lugar na ito ay ang mga shopping malls, supermarkets, mga aklatan at mga sentro ng komunidad.
Sino ang Maaaring Bumoto ng Maaga
Sa Pederal/Estado na mga halalan, lahat ng mga rehistradong botante sa Clark County ay maaaring bumoto bago sa Araw ng Halalan sa kahit na saanglugar na may maagang pagboboto. Sa Munisipal na Halalan para sa mga taon na hindi pares, ang mga rehistradong botante na sakop sa loob ng partikular na hagganan ng lungsod (maliban sa Mesquite) ay maaaring bumoto sa isa sa kahit na saa’ng Sentro nang Botohan, na hindi binibigyan pansin kung saan ang kanilang tirahan at kung saa’ng lugar ang nais nilang pagbotohan.
Kailan Ginaganap ang Maagang Pagboboto
Ito ay nagsisimula sa Sabado na 17 mga araw bago ang Araw ng Halalan, nagpapatuloy araw-araw sa loob ng 14 na mga araw, nagtatapos sa Biyernes bago ang Araw ng Halalan:
Mga Iskedyul sa mga LugarMga oras at mga araw ay nag-iiba ayon sa lugar. Ang isang kumpletong iskedyul kasama ang mga tiyak na mga lugar, mga petsa at oras ay makukuha sa mga sumusunod:
- Ang Kagawaran ng Halalan ng Clark County
Maaari mong mahanap ang iskedyul sa aming website, tumawag sa (702) 455-VOTE (8683), Filipino Hotline: (702) 455-7871 o magpadala ng e-mail - Mga Polyeto ng Iskedyul ng Maagang Pagboboto
AMakukuha kahit saan ka makakita ng mga Aplikkasyon ng Pagpaparehistro ng Botante, halimbawa, Kagawaran ng Motor Vehicles, mga opisina ng koreo, mga aklatan, atbp. - Sampol na Balota
Ang harap na seksyon ng iyong sampol na balota ay naglalaman ng iskedyul ng maagang pagboboto. Mga Sampol na Balota ay pinapadala sa pamamagitan ng koreo bago magsimula ang maagang pagboboto. - Mga Pahayagan
Ang Tagapagtala ng mga Botante ay naglalathala ng iskedyul sa panahon ng isang linggo bago sa panahon ng maagang pagboboto at hindi bababa sa isang beses sa loob ng panahon ng maagang pagboboto.
Saan Matatagpuan ang mga Lugar na may Maagang Pagboboto
Ang mga lugar na may maagang pagboboto ay aalin man sa “permanente” (pangmatagalan) o “distrito/magkakapit bahay” (maikling kataga). or “neighborhood” (short-term).
Mga Lugar na Pangmatagalan
Mga permanenteng lugar ay pangmatagalan, na, ang maagang pagboboto ay ginaganap sa parehong lugar sa kabuuan ng 14 na mga araw ng maagang pagboboto. Mga ito ay madalas sa mga lugar na mataas ang daloy ng tao, katulad ng mga pangunahing shopping malls, Emga opisina ng Kagawaran ng Halalan o mga opisina ng Kawani ng Lungsod. Itong mga lugar ay mayroong 20 hanggang 40 na touch-screen na mga makinang pagboboto.
Mga Lugar sa Distrito (Maikling Kataga)
Ang mga lugar sa distrito ay maikling kataga, na, ang maagang pagboboto ay ginaganap sa mga lokasyon dalawa o higit pa at pagkatapos ay lilipat. Itong mga lugar ng maagang pagboboto ay nasa nga maliliit na mga pasilidad (local na mga supermarkets, mga aklatan, mga sentro ng komunidad, atbp.) at sinisigurado na lahat ng mga botante sa County ay makakarating sa lugar ng kanilang distrito. Ang mga lugar na ito ay mayroong 6 hanggang 15 na mga makinang pagboboto na may touch-screen.
Bakit Napipili ang isang Partikular na Lugar
Ang Tagapagtala ng mga Botante ay siya ang kumikilala at pumipili nang mga lugar na nagbibigay sa mga botante ng Lalawigan ng Clark nang maraming pagkakataon upang makaboto sa panahon ng 14 na araw ng maagang pagboto. Ang pag-aalala nang mga ibat ibang kapakanan ng taong bayan kagaya ng grupo ng mga nakatatandang mamamayan, grupo na nagmamalasakit sa mga minorya, mga politikal na partido at mga ibat ibang samahan sa komunidad ay kasama sa proseso ng paggawa nang pagpapasiya.
Paano Bumoto ng Maaga
Sa pagdating sa lugar, ang iyong pagiging karapat-dapat at lagda ay mapapatotohanan bago ka papayagang bumoto. Mga computer sa bawa’t lugar ay nakakabit sa sentralisadong mga files ng rehistrasyon ng mga botante ng Kagawaran ng Halalan at ang iyong record ng pagboboto ay gagawin pangkasalukuyan kapag ikaw ay bumoto, kaya maiiwasan ang posibilidad ng apgboto ng dalawang beses ng sino man. Lahat ng mga lugar na may maagang pagboboto ay gumagamit ng mga makinang pangboto na may touch screen. Ang mga makinang ito ay nagbibgay ng mga balota at mga tagubilin sa Ingles, Filipino at Espanol.
Pulong at mga Resulta ng Maagang Pagboboto
Araw-araw na pulong ng maagang pagboboto (kabuuan ng mga botante sa bawat lugar) ay makukuha tuwing gabi lampas ng ika-10:00 n.g. sa website ng Kagawaran ng Halalan. Mga resulta sa pagtala ng pahanay ay makukuha lampas ng ika-7:00 n.g. sa Araw ng Halalan. Mga resulta ng kumpletong pagtatala ng pahanay ay nasa website ng Kagawaran ng Halalan o sa TV cable Channel 4.
Mga Trend sa Maagang Pagboboto sa Clark County
Maagang Pagboboto (Bago ang Araw ng Halalan) ay Madali, Kombeyente at Tanyag
Mula noong 2000, mas maraming tao sa Clark County ay bumuboto bago ang Araw ng Halalan kaysa sa Araw ng Halalan, sa pamamagitan ng kombinasyon ng maagang pagbobot (ang pangunahing pinagmulan) at mga balotang pang koreo. Ang mga lugar na may maagang pagboboto sa maraming magkakalapit na distrito ay nagbigay ng pagkakataon sa lahat ng mga botante para makaboto sa oras at lugar na kombenyente sa kanila. Ang mga talahanayan sa ibaba ay nagbibigay ng pulong sa paraan ng pagboboto mula 1996 hanggang 2014. Ang mga datos ay nagpapatunay sa katanyagan ng maagang pagbobotolarity of early voting.
TAON NGPANGKA- LAHATANGHALALAN |
MGA AKTIBONG REHISTRADONG BOTANTE |
ANG PULONG SA PARAAN NG PAGBOBOTO | |||||||
MAAGANG PAGBOBOTO | ARAW NG HALALAN | KOREO/MANLILIBAN | KABUUAN | ||||||
BILANG | % | BILANG | % | BILANG | % | BILANG | % | ||
????2014 | ????822,922 | 171,286???? | 20.81%?? | 147,729???? | 17.95%?? | 22,339???? | 2.71%?? | 341,354???? | 41.48%???? |
??2012 | 852,413?? | 436,568?? | 51.22%?? | 205,693?? | 24.13%?? | 50,001?? | 5.86%?? | 692,262?? | 81.21% |
2010 | 736,663 | 258,283 | 35.06% | 174,341 | 23.67% | 33,841 | 4.59% | 466,465 | 63.32% |
2008 | 815,190 | 391,805 | 48.06% | 210,264 | 25.79% | 50,718 | 6.22% | 652,787 | 80.08% |
2006 | 647,904 | 165,293 | 25.51% | 169,503 | 26.16% | 27,805 | 4.29% | 362,601 | 55.97% |
2004 | 684,313 | 271,465 | 39.67% | 222,036 | 32.45% | 53,357 | 7.80% | 546,858 | 79.91% |
2002 | 547,758 | 136,763 | 24.97% | 148,486 | 27.11% | 28,356 | 5.18% | 313,605 | 57.25% |
2000 | 555,722 | 167,522 | 30.14% | 167,317 | 30.11% | 49,933 | 8.99% | 384,772 | 69.24% |
1998 | 484,794 | 85,646 | 17.67% | 133,572 | 27.55% | 38,383 | 7.92% | 257,601 | 53.14% |
1996 | 432,581 | 46,136 | 10.67% | 94,023 | 44.85% | 24,927 | 5.76% | 265,086 | 61.28% |
TAON NGPANGUNA- HING HALALAN |
MGAAKTIBONGREHISTRADONGBOTANTE | ANG PULONG SA PARAAN NG PAGBOBOTO | |||||||
MaagangPagboboto | Araw ng Halalan | Koreo/Manliliban | KABUUAN | ||||||
% | Bilang | % | Bilang | % | Bilang | % | |||
????2014 | ??775,859 | 61,774???? | 7.96%?? | 45,883???? | 5.91%?? | 14,960???? | 1.93%???? | 122,617???? | 15.80%?? |
??2012 | 690,357?? | 56,449?? | 8.18%?? | 40,511?? | 5.87%?? | 15,080?? | 2.18% ?? | 112,040?? | 16.23% |
2010 | 692,747 | 85,543 | 12.35% | 79,097 | 11.42% | 15,983 | 2.31% | 180,623 | 26.07% |
2008 | 697,547 | 48,193 | 6.91% | 42,338 | 6.07% | 12,411 | 1.78% | 102,942 | 14.76% |
2006 | 621,221 | 81,489 | 13.12% | 73,693 | 11.86% | 13,186 | 2.12% | 168,368 | 27.10% |
2004 | 593,912 | 71,748 | 12.08% | 62,503 | 10.52% | 14,624 | 2.46% | 148,875 | 25.07% |
2002 | 516,950 | 58,037 | 11.23% | 59,829 | 11.57% | 14,832 | 2.87% | 132,698 | 25.67% |
2000 | 522,464 | 42,904 | 8.21% | 57,642 | 11.03% | 13,066 | 2.50% | 113,612 | 21.75% |
1998 | 465,807 | 43,312 | 7.91% | 82,668 | 15.11% | 16,127 | 2.95% | 142,107 | 25.97% |
1996 | 402,878 | 11,098 | 2.75% | 87,582 | 21.74% | 12,305 | 3.05% | 110,985 | 27.54% |