SUB MENU

Paano ka Naapektuhan ng Kaakibat na Partido sa Halalan

Huling Ginawang Kasalukuyan Noong Ika-21 Ng Hunyo, 2013

Tingnan ang Iyong Rehistrasyon at Partidong Kaakibat sa Online

Kung ikaw ay kasalukuyang nakarehistro bumoto sa Clark County, NV, mag-login sa Mga Serbisyo para sa Rehistradong Botante at piliin ang Tingnan ang Impormasyon Ko sa Rehistrasyon mula sa dropdown menu upang madaling makita ang iyong datos sa rehistrayon, kasama ang iyong kaakibat na partido, pagiging karapat-dapat bumoto sa isang partikular na halalan, lugar ng botohan, presinto, mga nahalal na opisyal (kasama ang mga impormasyon upang makipag-ugnay) at tinitirahan na naka rekord sa Kagawaran ng Halalan.

Mga Halalan Pang Pederal/Estado na Pangunahing Halalan (SARADO) - Even-Numbered na Taon (2014

Ano ang Pangunahing Halalan

Ang Pangunahing Halalan ay isang paunang (pagmumungkahi ng kandidato) halalan upang pumili, kapag kailangan, ng Democratic, Republican at walang kapanig na mga kandidato na tatakbo sa Pangkalahatang Halalan (maliban sa mga kandidato para sa Presidente ng U.S./Bise Presidente at mga espesyal na opisina pang distrito, lalabas lamang sa Pangkalahatang Halalan). Ang direktang boto ng mga tao ay pinipili ang mga kandidato, sa halip ng mga boto ng mga delegado ng kombensyon.

Ang Nevada ay Isang Estado ng may SARADONG Pangunahing Halalan

Sa Nevada, ang mga Pangunahing Halalan na pang Pederal/Estado ay "SARADO." Ang ibig sabihin nito ay kung pumili ka ng Democrat o Republican bilang iyong partido sa iyong Aplikasyon ng Pagpaparehistro ng Botante, maaari ka lamang bumoto ng mga mga kandidato mula sa iyong partido at maaari ka ring bumoto sa walang kapanig na mga paligsahan. Kung pumili ka ng kaakibat na partido maliban sa Democrat o Republican, maaari kang bumoto lamang sa mga paligsahan ng walang kapanig. Tandaan na ang mga tanong sa balota ay hindi lalabas sa Pangunahing Halalan.

Mga Pangunahing Pampulitikang Partido:

Mga Ibang Partidong Pampulitika at mga Kaakibat:

Kung ikaw ay hindi rehistrado bilang Democrat o Republican, maaari kang bumoto LAMANG SA MGA PALIGSAHAN NG WALANG KAPANIG para sa iyong presinto. Menor na partido, ibang partido at independyenteng mga kandidato ay lalabas lamang sa Pangkalahatang Halalan at HINDI sa Pangunahing Halalan.

Mga Pangkalahatang Halalan pang Pederal/Estado - Even-Numbered na mga Taon (2014)

Mga kandidato na tatanggap ng pinakamaraming mga boto sa Pangkalahatang Halalan ay mahahalal para sa opisina. Maaari kang bumoto para sa lahat ng opisina at mga tanong sa balota ng iyong presinto, na walang kinalalaman sa iyong kaakibat na partido.

Pangunahin at Pangkalahatang mga Halalan ng Munisipyo (Lungsod) - Odd-Numbered na mga Taon (2015)

Sa Clark County, Nevada, ang mga partido ng kandidato ay hindi lalabas sa balota ng mga Halalan pang Munisipyo dahil ang mga opisina ay walang kapanig.Kung ikaw ay maayos na nakarehistro sa loob ng pisikal na nasasakupan ng isang incorporated na lungsod (Lungsod ng Boulder, Henderson, Las Vegas, Mesquite o North Las Vegas), maaari kang bumoto sa lahat ng mga opisina sa iyong balota, na walang kinalalaman sa iyong kaakibat na partido, pati na rin ang mga katanungan na naaangkop sa iyong presinto. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga halalan pang munisipyo, makipag-ugnay sa Kawani ng Lungsod. PAGHIHIGPIT: Mga botante na nakarehistro sa mga lugar na unincorporated ng Clark County ay HINDI maaaring bumoto sa mga Halalan pang Munisipyo.

Mga Pulong ng Partido pang Presidente sa Nevada - Mga Taon para sa Pang Presidenteng Halalan (2016)

Ayon sa batas ng Nevada, ang Nevada ay hindi nagsasagawa ng Pangunahing Halalan upang pumili ng mga kandidato pang Presidente. Sa halip, ang mga pangunahing partidong pampulitika ay magsasagawa ng mga pulong ng partido sa simula ng 2016 sa mga petsa, oras at mga lokasyon na kanilang mapagpasiyahan. Ang Kagawaran ng Halalan ng Clark County ay hindi kasangkot sa mga pagpupulong na ito.