SUB MENU
Mga Tips para sa Madali at Mabilis na Pagboboto
Bumoto sa pamamagitan ng Koreong Balota:
Simula taong 2022, lahat ng halalalan sa Nevada ay gagamit ng koreong balota. Ang lahat ng mga botante na nakarehistro upang bumoto nang hindi lalampas sa 14 na araw bago ang Araw ng Halalan ay makakatanggap ng koreong balota humiling man sila o hindi maliban kung sila ay nag opt out.
- Pag opt out: Upang mag opt out, kailangan mong magsumite ng isang "Mail ballot Preference Form sa isang kasulatan o online" upang humiling na hindi ka makatanggap ng koreong balota. Ang Kalihim ng Estado ng Nevada ay magbibigay ng online na opsyon at agad na matatanggap ng Departamento ng Halalan ang kahilingan. Dapat matanggap ng Departamento ng Halalan ang lahat ng kahilingan nang hindi lalampas sa 60 na araw bago ang Araw ng Halalan.
Bumoto nang Personal:
Maaari ka pa ring bumoto nang personal sa halip na sa isang makina ng pagboto sa alinman sa maraming maginhawang lugar ng maagang pagboto o mga sentro ng pagboto sa Araw ng Halalan, kahit na nakatanggap ka ng koreong balota. Kahit saan ka man nakatira o anuman ang inyong presinto, maaari kang bumoto sa anumang lugar ng pagboto na inyong pinili sa Lalawigan ng Clark. Ang iskedyul ng maagang pagboto at listahan ng mga anumang lugar ng sentro ng pagboto sa Araw ng Halalan ay makikita sa inyong pakete ng koreong balota, sa inyong halimbawang balota, at online sa www.ClarkCountyNV.gov/vote
Kung hindi ka mag-o-opt-out sa pagboto gamit ang koreong balota at boboto ka nang personal sa halip na sa pamamagitan ng koreo:
- Kung mayroon ka ng inyong koreong balota, kailangan mo itong isuko sa lugar ng pagboto.
- Kung mayroon ka ng inyong koreong balota, kailangan mong pumirma sa isang pahayag na hindi ka boboto ng dalawang beses sa parehong halalan.
Alamin Kung Kailan Dapat Bumoto:
- Ang mga lugar ng maagang pagboto ay hindi gaanong siksikan sa simula ng panahon ng maagang pagboto at karaniwang sa kalagitnaan ng hapon at gabi para sa buong panahon ng maagang pagboto.
- Ang mga Sentro ng Pagboto sa Araw ng Halalan ay hindi gaanong siksikan sa kalagitnaan ng umaga o kalagitnaan ng hapon at bukas mula 7:00 n.u. hanggang 7:00 n.g.
- Ang mga botante na nakapila kapag nagsara ang botohan ay papayagang bumoto.
Kumpirmahing Walang Mga Isyu na Umiiral:
Siguraduhin na ikaw ay talagang nakarehistro upang bumoto at ang iyong pangalan, address, at partidong kinabibilangan ay kasalukuyan.
- Mag log-in sa Mga Serbisyo ng Rehistradong Botante at piliin ang Tingnan ang Impormasyon sa Aking Pagpaparehistro mula sa dropdown menu.
- O, tumawag sa Departamento ng Halalan sa (702) 455-7871
Kumuha ng Isa Kung Wala Ka:
- Mag log-in sa Mga Serbisyo ng Rehistradong Botante at piliin ang Tingnan ang Aking Halimbawang Balota mula sa dropdown menu upang ma-access ang inyong halimbawang balota online (pagkatapos na ito ay magagamit para sa online na pagtingin).
- Tumawag sa (702) 455-7871 o magpadala ng e-mail kung nawala o hindi mo natanggap ang inyong halimbawang balota nang hindi bababa sa 10 araw bago ang Araw ng Halalan at nais ninyong magpadala kame ng isa pa.
Pag aralan, markahan at dalhin ang inyong halimbawang balota sa mga botohan:
Huwag maghintay hanggang sa ikaw ay nasa puwesto na ng pagboto upang gumawa ng inyong mga desisyon.
Sumangguni sa Inyong Halimbawang Balota Kapag Bumoboto:
Sa mga makina ng pagboto na may touch-screen, lahat ng mga tanggapan at tanong na sunud-sunod na lumalabas ay tutugma sa inyong halimbawang balota. Kung wala kang halimbawang balota, humingi ka sa isang manggagawa sa botohan ng isa.
Planuhin nang Maaga:
Kung magpapasya kang bumoto nang personal sa halip na sa pamamagitan ng koreo, pumili ng lugar ng maagang pagboto o Sentro ng Pagboto sa Araw ng Halalan na pinaka-maginhawa para sa iyo. Sa inyong halimbawang balota, gamitin ang iskedyul ng maagang pagboto o listahan ng Sentro ng Pagboto, at kapag available ang nakatupi na mapa. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang aming pahina sa "Pagboto sa Araw ng Halalan." O, tumawag sa Departamento ng Halalan sa (702) 455-7871 kung kailangan mo ng tulong.
Tulong:
Agad na ipaalam sa isang manggagawa sa botohan kapag pumasok sa lugar ng botohan, o sa anumang oras habang bumoto, kung kailangan mo ng tulong.
Simulan ang proseso ng pagboto sa pamamagitan ng pag sign-in:
Pagdating sa lugar, pumunta sa alinman sa mga istasyon ng pag-check-in upang mag-sign in. Ang iyong pagiging karapat-dapat at pirma ay susuriin bago ka papayagang bumoto. Laging magandang ideya na magdala ng may larawang pagkakakilanlan kapag bumoboto ka. Ang klerk ng halalan ay iaanunsyo ang iyong pangalan (at partido sa mga Pangunahing Halalan), ayon sa kinakailangan ng batas ng Nevada.
Parehong Araw ng Pagpaparehistro sa Online o sa Personal:
Kung nagparehistro ka online sa website ng Kalihim ng Estado pagkatapos ng karaniwang pagsasara ng pagpaparehistro (Parehong Araw ng Pagpaparehistro sa Online) o plano mong magparehistro nang personal sa isang lugar ng maagang pagboto o sentro ng pagboto sa Araw ng Halalan (Parehong Araw ng Pagpaparehistro sa Personal), kailangan mong magpakita ng katanggap-tanggap na pagkakakilanlan sa lugar ng pagboto. Kung ang address sa iyong pagkakakilanlan ay hindi tugma kung saan ka kasalukuyang nakatira, kailangan mo ring magpakita ng patunay ng tirahan. Para sa mga detalye, tingnan ang aming web page tungkol sa parehong araw na pagpaparehistro at parehong araw na pag-update.
Alamin kung paano gamitin ang mga makina ng pagboto:
Pag aralan ang mga instruksyon sa inyong halimbawang balota, sundin ang mga direksyon ng manggagawa sa halalan at magtanong kung wala kang naiintindihan.