SUB MENU

Pansamantalang Balota sa Pagboboto

Huling Ginawang Pangkasalukuyan Noong Ika-10 Ng Setyembre, 2023

ANO ANG PANSAMANTALANG BALOTA

Noong 2003, pinagtibay ng lehislatura ng Nevada ang mga batas ng estado para sa pagboto ng pansamantalang balota alinsunod sa pederal na "Help America Vote Act" ng 2002 (HAVA). Noong 2019, binago ng Lehislatura ng Nevada ang mga batas sa pansamantalang balota ng Nevada sa pamamagitan ng AB345 upang isama ang paggamit nito para sa Parehong Araw na Pagpaparehistro at mga update (SDR). Tinukoy din ng AB345 na ang lahat ng pansamantalang balota ay magiging buong balota na ngayon, ito man ay para sa HAVA o SDR purposes. Ibig sabihin maglalaman ang mga ito ng lahat ng labanan, kandidato, at mga tanong na nasa regular na balota para sa presinto ng botante. Bibilangin lamang ang mga pansamantalang balota pagkatapos ng beripikasyon ng naaangkop na impormasyon ng botante at hindi naghulog ng maraming balota ang botante sa parehong halalan. Ang Kalihim ng Estado ng Nevada at Departamento ng Halalan ng Lalawigan ng Clark ay magkakaroon ng mga website at toll free na numero ng telepono upang ipaalam sa mga botante kung binilang ang kanilang pansamantalang balota, at kung hindi ito binibilang, bakit.

SDR (PAREHONG ARAW NA PAGPAPAREHISTRO) PANSAMANTALANG BALOTA

Pinahihintulutan ng AB345 ang paggamit ng mga pansamantalang balota para sa mga layunin ng SDR. Kabilang dito ang bagong pagpaparehistro pagkatapos ng karaniwang pagsasara ng pagpaparehistro, alinman sa personal sa isang lugar ng pagboto o online sa website ng Kalihim ng Estado ng Nevada.

Online na Pagpaparehistro sa Website ng Kalihim ng Estado sa pamamagitan ng Proseso ng SDR

Ano Ito: Kung nagparehistro ka upang bumoto online sa website ng Kalihim ng Estado ng Nevada (lamang) sa o pagkatapos ng ika 13 na araw bago ang Araw ng Halalan, hanggang sa at kasama ang Araw ng Halalan, maaari ka lamang bumoto ng isang pansamantalang balota sa kasalukuyang halalan. Kailangang mayroon kang hindi magtatapos, kasalukuyan na Lisensya sa Pagmamaneho na inisyu ng Nevada (NV) Department of Motor Vehicles (DMV), Kard ng Pagkakakilanlan sa Estado ng NV, o “pansamantalang dokumento” ng NV DMV para sa online na pagpaparehistro ng botante.

Paano ito Gumagana: Kapag nag check in ka sa anumang lugar ng Maagang Pagboto o Sentro ng Pagboto sa Lalawigan ng Clark, kailangan mong ipakita ang isang hindi magtatapos na Lisensya sa Pagmamaneho na inisyu ng NV DMV, Kard ng Pagkakakilanlan sa Estado ng NV, “pansamantalang dokumento” ng NV DMV o Pantribong Kard ng Pagkakakilanlan sa NV na mayroon ng inyong kasalukuyang tirahan kung saan ka talaga nakatira at tumutugma sa tirahan na inyong ipinasok para sa inyong online na pagpaprehistro. KUNG ang tirahan ay hindi napapanahon (hindi tumutugma sa inyong pagpaparehistro at / o hindi ito kung saan ka talaga nakatira), kailangan mo ring magbigay ng patunay ng tirahan (POR). Iboboto mo ang pansamantalang balota na mayroong lahat ng mga labanan, kandidato, at mga tanong na nasa isang regular na balota.

Pagbilang ng Pansamantalang Balota: Ang inyong pansamantalang balota ay bibilangin lamang pagkatapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan at: (a) Kayo ay kwalipikadong magparehistro upang bumoto at bumoto ng balota sa kasalukuyang halalan; (b) Hindi kayo nagboto ng maraming balota sa iisang halalan; at (c) KUNG naaangkop, kumpirmasyon na nagbigay ka ng katanggap-tanggap na karagdagang patunay ng paninirahan.

Pagpaparehistro nang Personal sa Anumang Lugar ng Pagboto sa pamamagitan ng Proseso ng SDR

Ano Ito: Maaari kang magparehistro nang personal at bumoto sa parehong araw sa anumang Lugar ng Maagang Pagboto ng Lalawigan ng Clark o Sentro ng Pagboto sa Araw ng Halalan na inyong pinili.

Paano ito Gumagana: Kailangan mong ipakita ang isang hindi magtatapos na Lisensya sa Pagmamaneho na inisyu ng NV DMV, Kard ng Pagkakakilanlan sa Estado ng NV, “pansamantalang dokumento” ng NV DMV o Pantribong Kard ng Pagkakakilanlan sa NV na mayroon ng inyong kasalukuyang tirahan kung saan ka talaga nakatira at tumutugma sa tirahan na inyong ipinasok para sa inyong online na pagpaprehistro. KUNG ang tirahan ay hindi napapanahon (hindi tumutugma sa inyong pagpaparehistro at / o hindi ito kung saan ka talaga nakatira), kailangan mo ring magbigay ng patunay ng tirahan (POR). Iboboto mo ang pansamantalang balota na mayroong lahat ng mga labanan, kandidato, at mga tanong na nasa isang regular na balota.

Pagbilang ng Pansamantalang Balota: Ang inyong pansamantalang balota ay bibilangin lamang pagkatapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan at: (a) Kayo ay kwalipikadong magparehistro upang bumoto at bumoto ng balota sa kasalukuyang halalan; (b) Hindi kayo nagboto ng maraming balota sa iisang halalan; at (c) KUNG naaangkop, kumpirmasyon na nagbigay ka ng katanggap-tanggap na karagdagang patunay ng paninirahan.

HAVA (HELP AMERICA VOTE ACT) PANSAMANTALANG BALOTA, ESTADO/PEDERAL NA HALALAN LAMANG

Kung mayroong tanong tungkol sa pagiging karapat dapat mong bumoto alinsunod sa HAVA, papayagan kang bumoto ng buong pansamantalang balota na naglalaman ng lahat ng mga labanan, kandidato, at mga tanong na nasa isang regular na balota para sa inyong presinto.

Sino ang Maaaring Bumoto ng Pansamantalang Balota at Bakit

Paano Isinasagawa ang Pagboto ng HAVA Pansamantalang balota

Kailangan mong kumpletuhin ang isang nakasulat na Pagpapatunay na kasama ang dahilan kung bakit ka bumoto ng HAVA pansamantalang balota. Kailangan mo ring pagtibayin sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling na ikaw ay nakarehistro at karapat dapat na bumoto sa Lalawigan ng Clark, NV. Depende sa inyong sitwasyon, ang pansamantalang balota ay bibilangin lamang kung ang ilang mga kondisyon ay natugunan:

Tinatanggap na Pagkakakilanlan (ID) para sa Layunin ng Pagboto sa ilalim ng HAVA Lamang:

Ang mga uri ng ID na katanggap-tanggap para sa mga layunin ng pagboto ng HAVA ay hindi pareho sa mga katanggap-tanggap para sa mga layunin ng pagboto ng SDR (bagaman mayroong ilang overlap). [[Sa lahat ng mga kaso, ang pagkakakilanlan ay dapat magkaroon ng pangalan ng botante at kasalukuyang pisikal na tirahan.]]