SUB MENU

Mga Botanteng may Kapansanan

Mga Kaluwagan sa Pagpaparehistro

Kung Hindi Mo Kayang Lagdaan ang Iyong Pangalan sa Iyong Aplikasyon sa Pagpaparehistro ng Botante

Kung hindi mo kayang lagdaan ang iyong pangalan dahil sa iyong pisikal na kapansanan, maaari kang: (1) gumamit ng stamp na may lagda na nakakatugon sa mga pamantayan ng Opisina ng mga Serbisyo ng may Kapansanan, ayon sa NRS 427A.755; o (2) magparehistro ng personal sa Kagawaran ng Halalan; o (3) kung hindi ka makapunta ng personal sa Kagawaran ng Halalan ang Kagawaran ng Halalan ay magpapadala ng opisyal sa iyo.

Mga Kaluwagan sa Pagboboto

Mga Lugar ng Botohan

Mga botante na may mga kapansan ay mapagbibigyan sa loob ng mga lugar ng botohan sa araw ng halalan at sa panahon ng maagang pagboboto. Lahat ng mga lugar ng botohan ay mapupuntahan ng mga botanteng may mga kapansanan.

Komunikasyon at Impormasyon

Relay Text na Telepono para sa may Kapansan ng Nevada (TTY o TDD)
Mga botanteng may kapansanan sa pandinig o pananalita na may TTY o TDD, ay maaaring makipagusap sa Kagawarn ng Halalan sa pagtawag sa 711 o (800) 26-6868.

Mga Sampol na Balotang may Malalaking Titik

Lahat ng mga sampol na balota ay may mga titik na nakaprint sa 14-point na font.

Internet

Ang mga pahina sa website ng Kagawaran ng Halalan ay pangkalahatang madaling gamitin para sa mga taong may kapansanan. Ang mga pahina ay maaaring gamitin ng may mga kapansanan sa pagtingin, pandinig, paggalaw, o hindi madaling makaproseso ng ilang uri ng impormasyon o sa anumang paraan, tulad ng mga:


Ang mga pahina ng Internet sa web ng Kagawaran ng Halalan ay naglalaman ng mga katumbas na text (na kilala rin bilang “alt tags”) para sa walang-teksto na mga elemento, katulad ng mga imahe, mga grapikong representasyon ng teksto (kasama ang mga simbolo), mga animasyon (halimbawa, GIF’s na animado), mga list bullets na gumagamit ng mga imahe, mga puwang at mga buton na grapikal. Ang mga katumbas na teksto ay maaari kaagad na mai-output sa mga speech synthesizers at mga nagpapalabas ng Braille. Maaari din silang ipakita (sa iba’t-ibang laki) sa mga pagpapalabas ng kompyuter at papel.

Karagdagang Impormasyon

Makipag-ugnay sa Amin

Maaari mong tawagan ang Kagawaran ng Halalan sa (702) 455-2944 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kaluwagan para sa mga botanteng may kapansanan at mga matatandang botante. Maaari ka ring makipag-ugnay sa Kagawaran ng Halalan sa pamamagitan ng koreo (Tagapagtala ng mga Botante, Sentro ng Halalan ng Clark County, 965 Trade Drive Suite A, North Las Vegas, NV 89030-7802) o e-mail.