Section Menu

Contact Us

Phone: (702) 455-8683

Email: ELinfo@ClarkCountyNV.gov

965 Trade Dr., North Las Vegas, NV 89030-7802

Office Hours

Mon: 7:30am-5:30pm

Tue: 7:30am-5:30pm

Wed: 7:30am-5:30pm

Thur: 7:30am-5:30pm

Fri: CLOSED

Sat: CLOSED

Sun: CLOSED

Tingnan ang pahinang ito sa: Español | English | 繁體中文

Ang Pagboto ay Kasing Dali ng 1-2-3!

Mag-check in. Markahan at I-print. I-scan para Makaboto.

May isang bagong hakbang sa proseso nang personal na pagboto sa Clark County sa 2026. Alamin kung ano ang aasahan bago ka pumunta sa lugar ng botohan sa pamamagitan ng panonood ng video sa ibaba.

Ano ang Bago sa 2026?

Ang mga botante sa Clark County na pipiliing bumoto nang personal ay magpi-print at susuriin ang kanilang balota bago ito i-scan sa makinang pangbilang upang maibilang ang kanilang boto.

Ang na-update na proseso ay nananatiling madali:

Step1.jpg
UNANG HAKBANG • Mag-check In
Tanggapin ang iyong kard ng pagboto at magpunta sa isang makina sa pagmamarka ng balota.
Step2.jpg
PANGALAWANG HAKBANG • Markahan at I-print
Piliin ang iyong mga kandidato at i-print ang iyong balota upang suriin ang iyong mga napili.
Step3.jpg
IKATLONG HAKBANG • I-scan upang Makaboto
Ipasok ang iyong naka-print na balota sa makinang pangbilang upang maibilang ang iyong boto.

Mahahalagang Petsa ng Halalan

Petsa
Kaganapan
Oktubre 6, 2026
Huling Araw ng Pagpaparehistro bago magsimula ang Pinahabang Panahon sa Pagpaparehistro
Oktubre 7-20, 2026
Pinahabang Online na Pagpaparehistro at Pag-update ng Impormasyon
Oktubre 17-30, 2026
Maagang Pagboto nang Personal / Magkaparehong-Araw ng Pagpaparehistro nang Personal
Oktubre 21- Nobyembre 3, 2026
Maaari ang Pagpaparehistro sa Magkaparehong-Araw Online
Nobyembre 3, 2026
Araw ng Pangkalahatang Halalan / Magkaparehong-Araw ng Pagpaparehistro nang Personal

Mga Madalas Itanong

Makakatanggap pa rin ba ako ng koreong balota?

Oo. Ayon sa batas ng Nevada, lahat ng aktibong rehistradong botante na nakapagparehistro nang hindi bababa sa 14 na araw bago ang Araw ng Halalan ay awtomatikong padadalhan ng koreong balota, maliban kung pinili nilang hindi sumali sa pagboto gamit ang koreong balota.

Ang pagtanggap ng koreong balota ay hindi nangangahulugang kailangan mong bumoto sa pamamagitan ng koreo. Maaari ka pa ring pumiling bumoto nang personal sa alinmang lugar ng maagang botohan o sentro ng botohan sa Araw ng Halalan. Kung boboto ka nang personal, hindi na rin mabibilang ang koreong balotang ipinadala sa iyo.

Saan ako maaaring bumoto nang personal?

Sa Clark County, kung ikaw ay residente ng Clark County, maaari kang bumoto sa alinmang lugar ng maagang botohan o sa alinmang sentro ng botohan sa Araw ng Halalan (NRS 293.3072). Nagbibigay ito sa iyo ng higit na kalayaan na pumili ng lugar na malapit sa iyong tahanan, trabaho, o anumang lokasyong mas maginhawa para sa iyo.

Maaari ba akong magparehistro at bumoto sa magkaparehong-araw?

Oo. Nag-aalok ang Nevada ng Magkaparehong-Araw na Pagpaparehistro (Same-Day Registration),

na nagpapahintulot sa mga kwalipikadong botante na magparehistro upang bumoto o mag-update ng kanilang rehistrasyon at bumoto nang personal sa panahon ng maagang pagboto o sa Araw ng Halalan. Kung magpaparehistro ka o mag-a-update ng iyong rehistrasyon sa isang sentro ng botohan, kailangan mong bumoto sa oras din na iyon.

Upang magamit ang Magkaparehong-araw ng Pagpaparehistro, kailangan mong magpakita ng isang hindi expired na lisensya ng pagmamaneho sa Nevada, Nevada ID Kard, pansamantalang dokumento mula sa Nevada DMV, o Tribal ID (NRS 293.5837, 293.5842, 293.5847). Kung ang iyong ID ay walang kasalukuyan mong address ng tirahan, kailangan mo ring magbigay ng patunay ng paninirahan, tulad ng utility bill, statement ng banko, rehistrasyon ng sasakyan, paycheck, o dokumentong na ibinigay ng ahensya ng gobyerno.

Upang makapagparehistro at makaboto sa Nevada, kailangan mong:

  • Maging mamamayan ng Estados Unidos.
  • Hindi bababa sa 18 taong gulang sa o bago ang Araw ng Halalan.
  • Naninirahan sa Nevada nang hindi bababa sa 30 araw bago ang halalan at sa iyong kasalukuyang tirahan nang hindi bababa sa 10 araw. (NRS 293.485)

Ang mga balotang ibinoto sa Magkaparehong-Araw ng Pagpaparehistro ay mga pansamantalang balota.

Ang mga pansamantalang balota ay naglalaman ng parehong labanan katulad ng pangkaraniwang balota at bibilangin lamang ang mga ito kapag napatunayan na ng mga opisyal ng halalan ang iyong pagiging kwalipikadong botante at ang tamang impormasyon ng iyong rehistrasyon.

Maaari ko bang ihulog ang aking koreong balota sa isang lugar ng botohan?

Oo. Lahat ng lugar ng maagang botohan at mga lugar ng botohan sa Araw ng Halalan ay tumatanggap ng mga nakumpletong koreong balota sa oras ng pagboto. Ang Kagawaran ng Halalan at ang limang tanggapan ng Klerk ng Lungsod ay nagsisilbi ring mga karagdagang lugar kung saang maaari mong ihulog ang iyong koreong balota.

Paano ako makakakuha ng tulong sa wika o madaling pag-access sa serbisyo?

Sa Clark County, ang mga balota at materyales sa halalan ay naka print sa wikang Ingles, Espanyol, at Filipino, alinsunod sa iniaatas ng Seksyon 203 ng pederal na Karapatan sa Pagboto.

Kung nagsasalita ka ng ibang wika, maaari kang humiling ng serbisyo ng tagapagsalin sa mahigit 200 na wika sa pamamagitan ng pagtawag sa (702) 357-3379. Maaari ka ring magsama ng isang taong iyong pinili (maliban sa iyong employer o kinatawan ng unyon) upang tumulong sa iyo sa loob ng botohan (NRS 293.296).

Kung kailangan mo ng tulong dahil sa kapansanan, kahirapan sa pagbasa o pagsulat, o iba pang dahilan, maaari kang magsama ng isang taong iyong pinili upang tulungan kang bumoto, hangga’t ang taong iyon ay hindi iyong employer o kinatawan ng unyon (NRS 293.296). Ang mga manggagawa sa halalan ay maaari rin magpaliwanag ng proseso ng pagboto at magbigay ng tulong kung hihilingin.

Karagdagang Kaalaman

Magparehistro upang Bumoto

Magparehistro o i-update ang iyong pagpaparehistro bilang botante

https://registertovote.nv.gov/

Maghanap ng Lugar ng Botohan

Maghanap ng lugar para sa maagang botohan nang personal o ng iyong lugar ng botohan sa Araw ng Halalan

https://www.clarkcountynv.gov/adobe/assets/urn:aaid:aem:7c16b2ce-b9a4-470e-83a3-839d9987a989/original/as/voting-mb-26g.pdf?_gl=1*1sqhzr1*_ga*MTE1ODMzNDczOS4xNzc2Mjc0MjM1*_ga_HK2D6918MP*czE3ODM5NTMyOTEkbzkkZzEkdDE3ODM5NTMzNDIkajkkbDAkaDA

Gabay sa Halalan

Mag-download ng digital na bersyon ng aming Gabay sa Halalan sa Clark County

Detalyadong Video Tungkol sa Proseso ng Pagboto

Panoorin ang aming 2 minutong video na nagpapaliwanag ng detalyadong proseso ng pagboto

Clark County Filipino CC - 09.17.2025.mp4